Sa tulong ng Solana Renewables Corporation at Accenture Philippines, nakapaghatid tayo ng solar lighting kits sa 25 kabahayan sa Zone 6, Barangay Panicuason, Naga City.
Hanggang ngayon, marami pa rin sa Panicuason ang walang direktang access sa kuryente. Dahil dito, nahihirapan ang mga residente sa pagtugon sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan—mula sa edukasyon at kabuhayan, hanggang sa komunikasyon at kaligtasan ng pamilya.
Upang matugunan ang hamong ito, isinagawa ang pamamahagi ng solar lighting kits na layong magbigay ng ligtas, maaasahan, at pangmatagalang ilaw sa mga kabahayang walang kuryente. Kasama rin sa aktibidad ang pagsasanay sa mga benepisyaryo ukol sa tamang paggamit at pag-aalaga ng mga kits, upang matiyak ang ligtas at matagalang paggamit ng mga ito.


