Mahigit 6,000 pasyente, natulungan!
(Originally published on February 2, 2023)
Sa loob lamang ng limang buwan, mahigit 6,000 pasyente ang nabigyan ng kalingang medikal ng Angat Buhay Foundation ni dating Bise Presidente Leni Robredo sa ilalim ng programang Bayanihan e-Konsulta. 🌷
Mula Hulyo hanggang Disyembre ng nakaraang taon, mahigit 1,000 doktor, nars, at non-medical volunteers ang nagtulungan sa mga virtual checkup sa ilalim ng nasabing programa.
Bukod dito, halos 800 COVID care kits din ang naipamahagi sa mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang lugar at komunidad sa loob ng National Capital Region (NCR).
Ano mang karamdaman at hamon ang dumating, kayang-kaya nating harapin basta’t nagbabayanihan tayo.
Raffy Magno, Angat Buhay Executive Director
Ngayong 2023, nais pang palawakin ng Angat Buhay ang programa ng Bayanihan e-Konsulta, kasama ang pagsasalokal ng mga serbisyo at pagpapalakas ng mga programa patungkol sa mental health. #